SWAK sa kulungan ang isang binatang nanggahasa sa kanyang dalagitang kapatid sa Zamboanga del Sur kaninang umaga, Nobyembre 22.
Nakakulong na sa detention cell ng Tigbao municipal police station detention cell sa Zamboanga del Sur at sasampahan ng kasong rape ang suspek na kinilala lamang na Ronel, 26, ng Barangay Longmot, Tigbao.
Sa testimonya sa pulisya ng biktimang si Mercedes, 14, nangyari ang panggagahasa alas-2 ng madaling-araw.
Bago ito, naiwan ang magkapatid sa kanilang bahay dahil may pinuntahan ang kanilang mga magulang.
Sinamantala naman ng suspek ang pagkakataon at mabilis na isinakatuparan ang maitim na balak sa kanyang kapatid.
Ayon pa sa biktima, matapos siyang galawin ay tinakot pa siya ng kanyang kapatid na papatayin.
Nakahingi naman agad ang biktima ng tulong sa kanilang barangay secretary na si Librado Dumato na nagdala sa biktima sa himpilan ng pulisya.
Sa follow-up operation ng kapulisan, nahuli ang suspek sa lugar na pinagtaguan nito.
The post Nanggahasa sa kapatid, swak sa selda appeared first on Remate.