DALAWA na ang naitalang namatay dahil sa leptospirosis sa Tacloban City, Leyte, 18 araw makaraan ang paghambalos ng super typhoon Yolanda.
Isa sa namatay ay ang 58-anyos na mister mula sa Palo, ayon sa pagkumpirma ni Eric Tayag, assistant secretary ng Department of Health (DOH).
“May two deaths na tayo of leptospirosis. Kung may people exposed sa floodwaters, please come to our clinic,” ani Dr. Paula Sydiongco, DOH’s assistant regional director for Eastern Visayas.
Pinangangambahan naman ng DOH ang possible leptospirosis outbreak sa Tacloban kasunod ng nasabing ulat.
Ang leptospirosis ay nakukuha kapag na-expose ang isang tao sa tubig na kontaminado ng ihi ng hayop, partikular ng daga.
Ang ilan sa sintomas nito ay lagnat, paninilaw ng balat, panghihina at pagsusuka.
The post 2 patay sa leptospirosis outbreak sa Leyte appeared first on Remate.