UMAKYAT pa sa 5,500 ang death toll ng super typhoon Yolanda ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang umaga.
Sa 6 a.m. update ng NDRRMC, umakyat na rin sa 26,136 ang sugatan habang 1,757 ang nawawala.
May 2,177,863 pamilya naman o 9,927,335 indibidwal ang apektado ng bagyo sa 11,939 bayan sa 44 lalawigan sa Eastern Visayas.
Umabot nman sa P24,539,251,407.26 ang pinsala ng bagyo kabilang na ang P13,182,975,034 sa imprastraktura at P11,356,276,373.26 sa agrikultura.
Matatandaan na may dalawang linggo na ang nakararaan mula nang hambalusin ng super bagyong Yolanda ang mga lalawigan sa Eastern Visayas.
The post Yolanda death toll tumaas sa 5,500 appeared first on Remate.