UMAKYAT na sa tatlo ang naitatalang patay sa pagguho ng ilang bahagi ng ginagawang World Cup stadium sa Brazil.
Agad namang nagpaabot ng pakikiramay si Fifa President Sepp Blatter sa mga pamilya ng biktima.
“Extremely shocked by the news from Sao Paulo. Our thoughts are with the families of the victims of this accident.”
Ang nasabing football arena ay makokompleto sana sa katapusan ng Disyembre upang mahabol ang Fifa deadline.
Ang Brazil ang magiging host sa gagawing 2014 World Cup football.
The post World Cup stadium sa Brazil gumuho, 3 patay appeared first on Remate.