IPINAUUBAYA na lamang sa korte ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon ang paglutas sa kaso ng anak na si dating congressman at ngayon ay Customs Commissioner Ruffy Biazon.
Bagama’t ikinalulungkot ng mambabatas na kasama sa mga kinasuhan sa pangalawang batch ng kaso sa pork barrel scam ang kanyang anak.
Ayon kay Biazon, may mga basehan at reference ang National Bureau of Investigation sa pagsampa ng kaso, mainam aniyang busisiin ang mga dokumento upang lumitaw ang katotohanan.
Dagdag pa ng nakakatandang Biazon, walang kinalaman ang partido nila sa pulitika sa pagresolba sa kaso.
Nabatid na kaalyado ng administrasyon ang mga Biazon.
Ang Customs chief ay isa sa pitong dating congressmen na kasama sa 34 indibidwal na kinasuhan kaugnay ng PDAF scam.
The post Rep. Pong Biazon ipinauubaya sa korte ang kaso ng anak appeared first on Remate.