Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Caloocan at Maynila matutuyuan ng tubig

$
0
0

INABISUHAN na ng Maynilad ang mga residente na labing-anim na oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Caloocan at Tondo, Maynila sa Huwebes, Disyembre 5, mula ala-1:00 ng hapon hanggang sa Biyernes, Disyembre 6, alas-5:00 ng umaga.

Ayon kay Maynilad Spokesperson Grace Laxa, sa Caloocan City ay mawawalan ng tubig sa
- Brgy. 28
- Bangkulasi
- San Rafael
- Northbay Boulevard North
- Northbay Boulevard South

Samantalang makararanas naman ng low water pressure o mahinang pagdaloy ng tubig sa nabanggit na mga araw ang Brgy. 14, Longos.

Sa Tondo, Maynila, kabilang naman sa mawawalan ng suplay ng tubig ang Brgys. 124 –127; Brgy. 129 – 146 at Brgy. 177.

Ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ay bunga ng rehabilitasyon ng Maynilad sa area ng Caloocan upang mapaganda  ang daloy ng tubig sa west zone ng Metro Manila.

Inaabisuhan naman ang mga apektadong kustomer ng Maynilad na mag-ipon na ng tubig o tumawag sa Maynilad hotline 1626 para sa karagdagang impormasyon.

The post Caloocan at Maynila matutuyuan ng tubig appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>