Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Salo-salo ng pamilya niratrat, tatay tigbak

$
0
0

IMBES mabusog, naging madugo ang salo-salo ng isang pamilya sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang kanilang padre de pamilya sa Camarines Sur nitong Martes ng gabi, Disyembre 3.

Nasa kritikal na kondisyon sa Tinambac Infirmary sanhi ng tama ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Daniel Estiron.

Ngunit dahil sa seryosong tama ng bala, inilipat ito sa Bicol Medical Center at ngayon ay patuloy na isinasalba.

Blangko pa ang pulisya sa kung ano ang motibo sa pamamaril at kung sino rin ang nasa likod ng krimen.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-7:30 nitong Martes ng gabi sa bahay ng biktima sa Barangay Magsaysay, Tinambac, Camarines Sur.

Bago ito, naghahapunan ang biktima kasama ang kanyang maybahay at mga anak nang biglang dumating sa kanilang bahay ang mga suspek at sa hindi pa malamang dahilan ay pinagbabaril ang biktima.

The post Salo-salo ng pamilya niratrat, tatay tigbak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>