NAKAAAPEKTO ngayon ang trough of low pressure area (LPA) o dulo ng namumuong sama ng panahon sa Eastern Mindanao.
Ayon sa ulat, ang mga lugar na naaabot ng bahagi ng LPA ay magkakaroon ng mga pag-ulan ngayong maghapon.
Maliban dito, nagdadala rin ng kaulapan ang diffused tail-end of a cold front o ang bahagi ng frontal system sa Central Luzon.
Ang mga probinsya ng Aurora, Quezon, Cagayan, Cordillera, Ilocos at Metro Manila ay posibleng makaranas ng isolated na mga pag-ulan at thunderstorm.
Wala namang ibang aktibong weather system sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) na maaaring mabuo bilang bagong bagyo.
The post E. Mindanao apektado ng ‘trough of low pressure area’ appeared first on Remate.