PATAY ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Carcar City, Cebu.
Namatay bunga ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na si PO1 Jollie Olabia, ng Cebu City Police Office at residente ng Carcar.
Sa imbestigasyon, nag-aabang ng masasakyan ang biktima nang barilin ng isang suspek na nakasakay ng motorsiklo.
Naisugod pa sa ospital si Olabia subalit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.
Inaalam na ang motibo sa krimen.
The post Pulis sa Cebu tepok sa ambush appeared first on Remate.