Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Helper umakyat sa poste ng Meralco nakuryente, tigok

$
0
0

PATAY ang isang helper matapos makuryente habang umaakyat sa poste ng Meralco sa Quezon City kaninang madaling-araw, Disyembre 16, 2013.

Kinilala ang biktima na si Arthur Marcelo, 29, farm helper ng Mangas 1, Alfonso Cavite, na hindi na umabot nang buhay sa Quirino Memorial Medical Center.

Ayon kay SPO3 Modestino Juanchon ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa poste ng Meralco sa P.Tuazon malapit sa kanto ng Edsa, Brgy. Socorro, QC alas-4:45 ng madaling-araw.

Sinabi sa ulat na magdamag na uminom ng alak ang biktima at matapos ang pakikipag-inuman ay umakyat sa poste ng Meralco dahilan para makuryente ito.

Pinagbawalan naman ng witness na si Henry De Luna security guard ng isang restaurant sa lugar ang pag-akyat sa poste ng Meralco ng biktima subalit hindi pinansin ng huli.

The post Helper umakyat sa poste ng Meralco nakuryente, tigok appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>