INATASAN na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa naganap na pagpatay kay Labangan, Zamboanga del Sur mayor Ukol Talumpa kahapon sa Ninoy Aquino Internatinal Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, tatlong beses nang pinagtangkaan ang buhay ng nasabing alkalde kung kaya ipinag-utos niya kay NBI officer-in-charge Medardo de Lemos na agad siyasatin ang pangyayari.
Kabilang din sa nabaril at napatay sa NAIA T3 ang misis ni Talumpa, apo, at kanyang staff.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.
The post NBI pasok sa imbestigasyon sa NAIA T3 ambush appeared first on Remate.