Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Dalagita, malubha sa saksak sa Simbang Gabi

$
0
0

NASA malubhang kalagayan habang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang 16-anyos na dalagita makaraang atakehin ng may 12 grupo ng mga bakla, lalaki at babae kaninang madaling-araw sa Sta. Cruz, Manila.

Ang biktimang itinago sa pangalang “Betsay” ng Pedro Guevarra St., Sta. Cruz, Manila ay nagtamo ng isang saksak sa tagiliran; mga galos sa mukha; kamay at sa katawan, habang ang mga suspek na sinasabing mga taga-Quiricada St., sa Sta.Cruz , na ang ilan ay menor de edad ay kasalukuyang tinutugis para papanagutin sa nasabing insidente.

Sa ulat ng Manila Police District-Children and Women Protection Unit, alas-5 ng madaling-araw, nang maganap ang insidente sa tapat ng isang fast food chain sa Rizal Avenue at Tayuman St., Sta. Cruz.

Nabatid sa ilang kasamahan ng dalagita na lima silang nagsimba sa Espiritu Santo Parish church sa Rizal Avenue, at paglabas nila ng simbahan, dito na nila nakatagpo ang grupo ng mga suspek, hanggang sa magrambulan at masaksak ang dalagita.

The post Dalagita, malubha sa saksak sa Simbang Gabi appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Love Quotes Tagalog


Two timer Sad tagalog Love quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>