MATAPOS magpatupad ng barya-baryang “rollback” sa presyo ng langis sa bansa, kaninang umaga ay nagpatupad ang mga malalaking kompanya ng langis ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo na magiging pasakit muli sa mga motorista.
Dakong alas-6 ng umaga kanina nang magsabay-sabay na magpatupad ng pagtaas ng kanilang mga produktong petrolyo ang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Total Philippines at Flying V ng P0.95 kada litro ng kanilang regular gasoline habang P0.90 sentimos naman kada litro ng premium at unleaded gasoline.
Nagdagdag din ng P0.45 kada litro ng kerosene at P0.35 naman sa diesel.
Ang ginawang pagtaas ng mga kumpanya ng langis ay bunsod ng paggalaw umano ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.