DAHIL sa kawalan ng pera kaya nagawang magpakamatay ng isang babae sa Bacolod City, kaninang madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Cherryl Alegura, eksaktong alas-6:15 kaninang umaga nang matagpuang nakabitin sa gilid ng pinto ng kanyang silid sa Brgy. Singcang Airport, Bacolod City.
Bago ang insidente, nabatid sa tiyahin ng biktima na lumapit sa kanya ang dalaga para mangutang sana para ipambayad sa kanyang inuupahang silid.
Pero dahil nagkataong wala rin siyang pera ay hindi niya napautang ang pamangkin.
Kinabukasan nga ay nakitang nakabigti na ang biktima.
The post Walang pambayad sa upa, bebot nagpakamatay appeared first on Remate.