TODAS ang siyam na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos makabakbakan ang tropa ng gobyerno sa Pulangi, Cotabato, sa ulat ng operatiba kaninang tanghali.
Nabatid na unang sinalakay ng mga rebelde ang tropa ng pamahalaan noong bisperas ng Bagong Taon hanggang magkapalitan ng putok.
Ayon naman kay Army’s 602nd Brigade spokesperson Captain Tony Bulao, tumagal pa ang bakbakan hanggang sa mga lugar ng Pikit, Midsayap at Aleosan kanina na pinamumunuan ng isang Kumander Endeg.
Itinanggi naman ni BIFF spokesman Abu Misry Mama ang military report kaugnay sa naitalang casualties sa kanilang panig.
Sa ngayon ay patuloy pa ang manaka-nakang putukan sa bahagi ng Maguindanao at Cotabato.
The post 9 Moro rebels, todas sa bakbakan sa Cotabato appeared first on Remate.