PINILI bilang 2013 Athlete of the Year ang Philippine national basketball team o mas popular sa tawag na “Gilas Pilipinas” dahil sa ipinakitang determinasyon at lakas ng loob sa mga nakaraang laban.
Mula sa malalaking pangalan sa larangan ng isports na nagbigay karangalan sa bansa, mas pinili ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang Team Pilipinas ni head caoch Chot Reyes.
Kinapos man sa pinakaaasam na ginto sa nakalipas na FIBA-Asia Men’s Championship, ibinulsa naman ang silver medal ng Gilas-Pilipinas para sa sambayanang Pilipino.
Nangangahulugang maglalaro ang Gilas sa 2014 FIBA-World Cup sa Spain at kauna-unahan sa Pilipinas matapos ang halos 40 taon.
Magsisilbi namang guest of honor at speaker sa PSA Awards si eight division world champion Manny Pacquiao na gagawin sa Enero 25.
The post Gilas Pilipinas, 2013 Athlete of the Year appeared first on Remate.