ISA na namang bata ang binawian ng buhay dahil sa tigdas sa Caloocan City.
Sa pahayag ng ama ng biktima na si Ruel Gundran ng Barangay 139, noong Disyembre 29, 2013, dinala niya ang kanyang anak na si Rodgene sa Caloocan Medical Center matapos lagnatin subalit dahil sa madami ang mga pasyente ay inuwi na lang muna nila ang bata.
Makalipas ang ilang araw ay lumabas ang sintomas na may tigdas ang bata na naging dahilan upang dalhin sa Manila Central University Hospital subalit hindi na naagapan dahil sa dehydration.
Lumalabas na isa ang lungsod na kasama sa “out-break” ng tigdas kung saan nabatid na noong nakaraan taon ay magkasunod na namatay ang isang magkapatid dahil din sa nasabing sakit.
Pinapayuhan naman ng Caloocan City Health Deapartment na huwag balewalain ang tigdas at agad na patingnan sa doktor kung may sintomas ang tatamaan ng nasabing sakit.
The post 2-anyos patay sa tigdas sa Caloocan appeared first on Remate.