PINAPUTUKAN muna ang unahang gulong at salamin ng tatlong hindi pa kilalang suspek ang sinasakyan ng tatlong tauhan ng isang kumpanya bago hinoldap ang dalang pera sa Valenzuela City kahapon, Enero 6.
Sa pahayag ni Erlinda Wijangco, empleyada ng RJS Industrial Construction and Development Corporation, alas-4:10 ng hapon, pabalik na sila sa kanilang opisina matapos mag-withdraw ng P149,000 sa bangko at pagsapit sa Kabatuhan st., Centrum Cmpd., sa Mapulang Lupa ay pinaputukan ng mga suspek ang kanilang gulong.
Dahil naplatan ng gulong ay tumigil at salamin naman ng kanilang sasakyan ang dinale ng mga suspek bago nagsilapit at sapilitang kinuha ang bag kung saan nakalagay ang pera.
Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka kung saan inaalam na kung may naganap na inside-job sa nasabing isidente.
Inaalam na rin ng mga pulis kung sino ang mga suspek.
The post Pera ng kompanya naholdap ng 3 sa Vale appeared first on Remate.