Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

26 kaso ng tigdas, naitala sa Pangasinan

$
0
0

NAALARMA na ang pamunuan ng Provincial Health Office sa pagkakatala nila ng kaso ng tigdas sa lalawigan na umaabot na sa kabuuang 26, base sa kanilang monitoring simula pa noong Agosto ng nakaraang taon na una silang nagkaroon ng pitong kaso.

Ayon kay Dr. Anna de Guzman, provincial health officer sa lalawigan, dapat na mangamba ang publiko dahil sa patuloy na pagtaas nito kumpara noong taong 2012 na umabot lamang sa dalawang kaso.

Kabilang sa may pinakamataas na naitalang kaso ay sa bayan ng Rosales, 12; sunod ang bayan ng Mangatarem, San Nicolas, San Quintin at Natividad.

Nagbabala rin ito sa komplikasyon ng sakit na maaaring humantong sa pagkamatay ng isang pasyente kaya dapat lamang mag-ingat ang bawat residente sa pagkakaroon ng ganitong sakit dahil delikado ito.

Samantala, maaaring nakuha ng mga biktima ng tigdas ang sakit nang lumuwas sila ng Maynila upang gunitain ang Pista ng mga Patay at Kapaskuhan na sinasabing pinagmulan ng outbreak ng tigdas.

Samantala, patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nagkakasakit ng tigdas sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa DOH, umabot na sa 22 ang naitalang nagkasakit simula Nobyembre hanggang sa kasalukuyan.

Karamihan sa mga biktima ay mga bata na walang bakuna laban sa naturang sakit.

Dahil dito, patuloy ang pagpapaalala ng Department of Health (DoH)  sa mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak, mga batang edad siyam na buwan hanggang limang taong gulang sa mga health center para sa libreng bakuna laban sa tigdas.

The post 26 kaso ng tigdas, naitala sa Pangasinan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129