Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Presinto ng pulisya, buking sa iligal na koneksyon ng tubig

$
0
0

PINAGPAPALIWANAG ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Carmelo Valmoria ang hepe ng Police Community Precinct (PCP) 3 sa Pasay City makaraang mabuking ang iligal na koneksyon ng tubig sa naturang presinto sa isinagawang sorpresang inspeksyon.

Sa inspeksyon ni NCRPO Regional Logistic Service head Supt. Romeo Macapaz sa PCP-3, nadiskubre na ang water meter base ng naturang police precinct ang nagsu-supply ng tubig sa katabing barangay hall.

Ang sorpresang inspeksyon ay isinagawa ng NCRPO makaraang madiskubre na aabot sa halos P304,000 ang binayarang bill sa tubig ng naturang presinto mula noong buwan ng Mayo hanggang Disyembre ng taong 2013 na katumbas ng halos P38,000 kada buwan.

Sa panayam naman kay Chairman Jun Ty ng Barangay 40 Zone 5, inamin niya ang iligal na koneksyon subalit nilinaw na wala siyang kinalaman dito dahil kauupo lamang niya noong Disyembre 2013.

Nabalitaan aniya niya na noong panahon ng kampanya, ang tinalo niyang incumbent barangay chairman ay nagpapaigib araw-araw nang libre sa kanilang mga kababayan subalit hindi niya alam na nakakonekta pala ang suplay ng tubig sa kalapit na presinto.

Hindi naman makuhanan ng pahayag si Chief  Insp. Antonio Sotomayor, ang kasalukuyang hepe ng PCP-3 dahil wala ito sa naturang presinto, ayon sa kanyang desk officer.

Gayunman, napag-alaman na noon lamang Disyembre nanungkulan si Sotomayor bilang hepe matapos italaga ng dating Pasay City police officer-in-charge Senior Supt. Mitchel Filart sa puwesto.

The post Presinto ng pulisya, buking sa iligal na koneksyon ng tubig appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>