NIYANIG ng magnitude 6.8 ang northern Chile, ngayong umaga.
Base sa inilabas na pahayag ng United States Geological Survey, naitala ang sentro ng lindol sa lalim na 47.5 kilometers at 102 kilometers ang layo sa bayan ng Copiapo.
Nabatid na nagbagsakan ang poste ng kuryente at linya ng komunikasyon.
Nag-panic naman ang mga residente ng Atacama dahil sa pangambang magdudulot ito ng tsunami.
Wala pang napapabalitang nasaktan o nasawi sa lindol.