PATAY ang isang binata habang sugatan naman ang ate ng una nang pagsasaksakin ng dalawang lasing na kapitbahay kagabi, Enero 12, sa Kadima Letre Rd. Tonsuya, Malabon City.
Dead on arrival sa Pagamutan Bayan ng Malaban (PBM) si Fredirick Ajon, 18, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.
Kasalukuyan namang inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang nakatatandang kapatid ng namatay na si Nerissa Ajon, 28, ng nasabing barangay.
Arestado ang isa sa salarin na si Rowel Quiñones, 32, kapitbahay ng una habang nakatakas naman si Joseph Rubenecio, 29.
Sa imbestigasyon, alas-10:00 kagabi nang maganap ang insidente sa isang inuman sa nasabing lugar.
Kasalukuyang nag-iinuman ang biktima at ilang kaibigan nito nang dumating si Quiñones at si Joseph at nakihalo.
Nang malasing ang suspek kinursunada nito si Sadam na bisita ni Fredirick, umalis naman si Rowel at pagbalik ay may dala ng patalim at dito na pinagsasaksak ang biktima.
Tinangka namang tulungan ni Nerissa ang kapatid subalit siya naman ang pinagbalingang saksakin ng suspek saka tumakas dala ang patalim.
The post Binata utas sa pananaksak ng 2 senglot appeared first on Remate.