LUMIIT ang tsansa na maging bagyo ang namataang Low Pressure Area (LPA) sa bisinidad ng Surigao del Sur.
Ito ang sinabi kanina ni Jaime Bordales weather observer ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA).
Ayon kay Bordales, lumiit ang tsansa na maging bagyo ang namataang LPA dahil sa malakas na hanging Amihan sa bahagi ng Mindanao at Visaya’s region.
Sinabi ni Bordales na magpapatuloy ang pag-ulan sa mga lugar na sakop ng LPA sa ilang bahagi ng Mindanao region at Visayas area.
Nabatid pa sa PAGASA na makararanas ang rehiyon ng Mindanao, Eastern at Central Visayas ng masungit na papawirin at malalakas na pagbuhos ng ulan na maaaring magdala ng flashfloods at landslides.
Sinabi pa ng PAGASA na ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ay dala ng LPA na namataan sa bisinidad ng Surigao del Sur.
Ayon pa kay Bordales, maaaring magtagal ang pag-ulan ng 2 hanggang 3 araw sa mga lugar ng Visayas at Southern Luzon region.
The post LPA lumiit ang tsansa na maging bagyo appeared first on Remate.