NAGSILUTANGAN ang mga patay na isda sa Agusan River ng Cagayan de Oro City.
Kuwento ng mga residente, napansin nilang nag-umpisang lumutang ang mga isda nito pang Sabado ng hapon.
Ilan sa mga isdang nakuha ay may mga lokal na pangalang Dalampakan, Bunak, Damagan at Pigoc na niluto at kinain ng mga residente.
Pero ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), delikadong kainin ang mga isdang mula sa fish kill batay na rin sa isinagawang water sampling.
Iniimbestigahan na ng city local government at natural resources office ang pinag-umpisahan ng fish kill.
The post Fish kill sa Agusan River, naitala appeared first on Remate.