DAGUPAN CITY – Arestado ang dalawang Swedish national matapos itong mahulihan ng high grade dried marijuana leaves sa isang isla sa Hundred Islands, Alaminos, Pangasinan kamakalawa ng hapon.
Ang mga suspek na kasalakuyang nakakulong sa Alaminos Philippine National Police (PNP) ay nakilalang sina Oscar Erlandson, 21, at Eric Anderson Jardly, parehong taga Sweden.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagpapatrolya umano ang mga miyembro ng lokal na Bantay Dagat at Public Order and safety Office (POSO) ng maaktuhan ang mga suspek na humihithit ng marijuana.
Maliban sa ginagamit nilang stick ng marijuana, nakakumpiska pa ang mga awtoridad ng ilang perasong marijuana na nakalagay sa plastic tea bag.
Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Alaminos PNP detention cell at sila ay nahaharap sa kasong anti-illegal drug act.