ONSEHAN ang itinuturong dahilan ng pagbabarilan ng mga miyembro ng Alferez group sa Caloocan City kung saan napatay ang isang katao.
Base sa report ng Caloocan PNP, nakatanggap sila ng impormasyon na may barilan sa isang subdivision sa Caloocan kung saan may sumambulat pa umanong granada.
Sa pagresponde ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen, narekober ang ilang dokumento at matataas na kalibre ng baril na magpapatunay na ang kilabot na Alferez group ang sangkot sa barilan.
Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng naasawi habang tinutugis ang mga suspek.