TODAS ang isang tatay matapos saksakin ng kanyang sutil na anak habang nagtatalo sa Caloocan City kahapon ng umaga, Enero 16.
Dead on arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Edwin Lumbres, 42, habang sumuko naman sa mga pulis ang kanyang Jr., 17 kapwa ng Intan st., Bagong Barrio ng lungsod.
Sa ulat, alas-9 ng umaga, nagtatalo ang mag-ama dahil sa pagiging sutil ng suspek hanggang sa kumuha ng patalim ang binatilyo at itinarak sa ama.
Dinala ang biktima sa MCU habang sumuko naman sa mga pulis ang kanyang Jr.
The post Tatay inutas ng sutil na anak sa Caloocan appeared first on Remate.