NALAMBAT ng awtoridad ang pitong miyembro ng sindikato ng droga sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa Quezon City ayon sa ulat ng pulisya kanina, Enero 17, 2014.
Ayon sa report ni P/Supt. Roberto Razon, hepe ng Quezon City Police District District Anti–Illegal Drugs–Special Operation (DAIG- SOTG), kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jose Antonio Macaraig, 40, Honorio dela Cruz, alyas Bubo, 47 at Jefferson Latuna, alyas Kajo, 35, pawang nadakip ng awtoridad sa Caloocan at Quezon City.
Habang nadakip naman ang mga suspek na sina Jocelyn Dalagan, alyas Josie, 35 at Geraldine Entereso, 32, ng Tandang Sora, sa follow-up operation ng mga pulis alas-2:00 ng hapon kamakalawa sa Puregold Supermarket sa tapat ng Farmers Plaza, Gen. Roxas St., Araneta Center, Cubao, QC.
Kasunod nito , inaresto rin sa McDonalds sa Panay Avenue, South Triangle, QC sina Rosalina Aurie, 36, ng JP Rizal, Galicia 3, Mendez, Cavite at Gina Maravilla, 36, ng 424 Tenco St. Pasay City.
Nakumpiska sa mga suspek ang kabuuang 104.04 gramo ng shabu.
The post 7 miyembro ng illegal drugs nalambat appeared first on Remate.