KINONDENA ng Commission on Human Rights (CHR) ang marahas na rally na naganap sa compound ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa Quezon City kung saan kinuyog ang mga rumespondeng pulis.
Ayon kay CHR Chairperson Etta Rosales, balak nilang magsagawa ng public inquiry at ipatatawag ang mga militanteng sangkot sa pangyayari.
Re-review-hin ng CHR ang video ng marahas na rally upang matukoy kung sino ang mga dapat panagutin sa insidente.
Sinabi ni Rosales, na hindi lamang ang mga militante ang may karapatan na dapat igalang kundi maging ang mga pulis.