NAILIGTAS ng awtoridad ang isang lalaki na tangkang tumalon sa bubungan ng UN Avenue station southbound ng Light Rail Transit (LRT) sa Maynila kaninang umaga.
Ang lalaki ay naka-backpack na umakyat at nagtangkang tumalon pasado alas-9:00 ng umaga.
Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng MMDA at BFP at nailigtas ang lalaki.
Inaalam na ang motibo ng lalaki sa kanyang tangkang pagpapakamatay.
The post Kelot tangkang tumalon sa LRT-UN Avenue appeared first on Remate.