ISA na namang biktima ng riding-in-tandem ang naitala ng pulisya ngayong araw.
Alas-10 ngayong umaga nang bumulagta ang isang trike driver nang barilin ng hindi pa nakilalang mga suspek na sakay ng motor.
Naganap ang krimen sa Bgy. San Jose Rodriguez, Rizal na agad ikinamatay ni Juanito “Nitoy” Herrera, ng Sitio Luis, Bgy. Rosario, nasabing lungsod.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima at motibo sa krimen.
The post Trike driver utas sa riding-in-tandem appeared first on Remate.