NAARESTO ng Manila Police District ang 20 katao na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang drug raid at oplan galugad sa Intramuros, Maynila.
Ang 11 sa mga ito ay napag-alamang wala pang record sa barangay.
Ito ay ayon kay Barangay Chairman Juvy Fuentes ng Brgy. 654 Zone 29, Legazpi Street, Intamuros, Maynila.
Ayon kay MPD-Station 5 Commander Supt. Alex Yanquiling, karamihan sa mga naarestong suspek ay mga nagsu-suplay ng ilegal na droga sa lugar.
Ilang sachet ng shabu at drug paraphernalia, mga cellphone na ginagamit sa transaksyon, gambling machines at pera ang narekober ng awtoridad sa isinagawang pagsalakay.
The post 20 arestado sa oplan galugad sa Maynila appeared first on Remate.