Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mag-asawa patay sa Sawako Gang

$
0
0

PATAY ang isang mag-asawa matapos pasukin at pagbabarilin ng isang miyembro ng Sawako Gang sa Caloocan City, Sabado ng gabi, Enero 25.

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Efren Villanueva, 40, at namatay naman habang ginagamot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Josephine, 44 kapwa ng Mariano Ponce St., Bagong Barrio, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang gunman na nakilala lang sa alyas “Bonjhong” at anim na hindi pa kilalang mga kasama na mga miyembro ng Sawako Gang.

Sa ulat, alas-8 kagabi, nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang dumating ang mga suspek sakay ng tatlong motorsiklo na hindi na nakuha ang plaka kung saan pumasok sa bahay si Bonjhong.

Agad pinagbabaril ni Bonjhong si Efren at habang papalabas ay narinig ang mga sigaw ni Josephine dahilan upang balikan at pagbabarilin din bago nagsitakas kasama ang mga kagrupo.

Nabatid na kalaban ng Sawako ang gang ni Efren at paghihiganti ang nakikitang anggulo dahil noong isang linggo ay may napatay na miyembro ng Sawako Gang sa nasabing lugar.

The post Mag-asawa patay sa Sawako Gang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>