Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 bayan sa South Korea, naka-lockdown dahil sa bird flu

$
0
0

NAGPATUPAD ng lockdown sa tatlong bayan sa South Korea dahil sa pagkalat ng bird flu.

Isinagawa ang 12-oras na lockdown sa bayan ng Hilaga at Timog Chungcheong at bayan ng Gyeonggi na nakapalibot sa Seoul mula alas-6:00 ng umaga ngayong araw.

Partikular na nakatutok sa poultry farmers at mga trabahador ng poultry farms ang decontamination dahil sila ang higit na may posibilidad na mahawa at makahawa.

Hindi naman damay sa lockdown ang kabisera ng bansa.

Tinawag na H5N8 strain ng bird flu ang kumakalat sa ilang bahagi ng South Korea. May 17 poultry farms ang sinasabing nahawahan habang 22 naman ang sumasailalim pa sa ilang tests upang makumpirma kung damay ba ang mga ito o hindi.

810,000 mga manok ang lilipulin dahil nahawahan ang mga ito.

Minabuti ng mga awtoridad na umpisahan agad ang lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng bird flu lalo sa darating na Lunar New Year sa Enero 30 hanggang Pebrero 2.

Inaasahan ang pagdagsa ng mga taong uuwi sa mga probinsya at mabilis kakalat ang sakit kapag hindi pa ito nahinto sa mas maagang panahon.

Ito ang unang nabalitaang pagkalat muli ng bird flu sa South Korea mula nong 2011.

The post 3 bayan sa South Korea, naka-lockdown dahil sa bird flu appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>