Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 nakikipaglibing, utas sa 10-wheeler truck

$
0
0

PATAY ang isang mag-asawa, habang nasa malubhang kalagayan naman ang dalawa pa nang aksidenteng mabundol ng 10-wheeler truck ang sinasakyang motorsiklo habang nakikipaglibing sa bahagi ng Brgy. Godofredo Reyes, Sr., Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang mga namatay na sina Jesus Olisea, Jr. at Neneth Olisea, ng Brgy. Port Junction Norte, habang sugatan naman sina Emily Dapul at Jimboy Dapul, ng Brgy. Lohong, nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nakikipaglibing ang mga biktima sa kamag-anak ng mga biktima nang aksidenteng araruhin ng truck ang likurang bahagi ng mga nakapilang nakikipaglibing at nahagip ang dalawang motorsiklong sakay ang mga biktima.

Paliwanag ng driver ng truck na si Wilfredo Ronquillo ng Davao City, nawalan sila ng kontrol matapos na tangkaing iwasan ang kasalubong na truck na nagresulta sa pagsalpok nito sa hanay ng mga nakikipaglibing.

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng mga awtoridad ang driver at patuloy namang nilalapatan ng lunas ang dalawang nasugatan na naisugod sa Bicol Medical Center.

The post 2 nakikipaglibing, utas sa 10-wheeler truck appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129