Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Parak, ex-pulis, 1 pa patay sa ambush

$
0
0

NALAGAS sa pananambang ang isang pulis, dating kabaro nito at isa sa mga salarin nang magbarilan ang dalawang panig sa Batangas City kagabi, Biyernes.

Sinabi ni Batangas Police Director Omega Fidel, ang mga namatay ay sina SPO4 Fidel Macatangay na nakatalaga sa Batangas Police Intelligence Group (BPIG) at ang dating pulis na si Melvin Talabis.

Naisugod pa sa pagamutan sina Macatangay at Talabis pero nalagutan din ng hininga sanhi ng mga tama ng bala ng M16 rifle at kalibre 45.

Patay din sa bakbakan ang isa sa mga suspek na si Avelino dela Paz nang gumanti ng putok si Macatangay.

Sa ulat, naganap ang isidente alas-9:45 kagabi sa Barangay Sta. Rita Karsada.

Bago ito, nanggaling ang mga biktima sa bayan ng San Pascual at papuntang Batangas City nang pagsapit sa lugar ay tambangan ng anim na suspek habang sakay sa kanilang Isuzu Crosswind.

Tinutugis na ng pulisya ang iba pang suspek na hinihinalang mga miyembro ng drug syndicate.

The post Parak, ex-pulis, 1 pa patay sa ambush appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Love Quotes Tagalog


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE