BUKOD sa paglalaba, isang ginang ang natiklo ng pulisya nang sumaydlayn sa pagbebenta ng droga sa Pangasinan.
Ang suspek na si Agnes Biazon, 34, ng Barangay Poblacion, Mallasigue ay nakumpiskahan ng 3 sachet ng shabu na may street value na P3,000.
Nakuha rin kay Biazon ang P500 marked money na inilatag sa isang enrtapment operation.
Sa ulat, natiklo ang suspek alas-8 ng umaga sa labas ng bahay nito.
Bago ito, matagal nang minamanmanan ng pulisya ang suspek dahil bukod sa paglalaba sa mga bahay-bahay ay nagbebenta rin ito ng droga sa kanilang lugar.
Pagtatanggol ni Biazon sa sarili, nagawa lamang niyang magbenta ng droga dahil sa hirap ng buhay at kapos para sa kanyang pamilya ang kita sa paglalabada.
The post Labanderang tulak tiklo sa shabu appeared first on Remate.