PATAY ang isang holdaper nang manlaban sa parak kagabi sa Tondo, Maynila.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 25, may taas na 5’5, nakasuot ng itim na short at walang pang-itaas na damit.
Sa report, nagreklamo ang mga biktima ng suspek na sina Lasslyn Ma. Ubale, 21, Accounting staff, ng 304 Block 11, Rawis, Tondo, Manila; Rosel Rulida, 22, ng 304-B Condominium, Rawis, Tondo, Maynila; Joseph Diaz, 40, ng 304- B Condominium, Rawis, Tondo, Manila at Rolando Vidad, 45, ng 1274 Wagas St., Tondo sa himpilan ng pulisya hinggil sa naganap na holdapan sa dyip.
Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang Anti-Crime Unit ng MPD-PS2 at namataan sa kahabaan ng Lakandula Street kanto ng Mabuhay St., Tondo ang suspek.
Nang sisitahin na ng mga pulis ang suspek ay agad itong nagpaputok ng baril dahilan kaya gumanti ang mga pulis ikinamatay ng suspek.
Narekober sa suspek ang Damancor cal. 38 na may apat na live ammunition.
The post Holdaper na nanlaban sa parak tigbak appeared first on Remate.