PATAY ang isang fish vendor matapos pagbabarilin sa Barangay Commonwealth, Quezon City bandang alas-9:00 kaninang umaga.
Binaril ng dalawang suspek sa mismong bahay nito ang 37-anyos na si Dante Awa.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), narekober sa lugar ang 12 basyo ng 9mm pistol at ilang basyo ng kalibre .38 na baril.
Sabi ng mga kapitbahay, may takip na panyo ang dalawang suspek na malapitang namaril sa biktima na nasa pintuan lang ng bahay nito.
Ayaw namang magsalita ng mga testigo kung kilala nila ang mga suspek na naglakad lang palayo sa lugar matapos ang krimen.
Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, nawawalan si Awa ng P20,000 na kita nito sa Commonwealth Market na kanyang pinagtitindahan.
Pagnanakaw ang motibong tinitingnan sa krimen.
The post Fish vendor pinagbabaril sa QC appeared first on Remate.