Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot nasagasaan sa Pasay tigok

$
0
0

NAMATAY ang isang lalaki nang masagasaan ng rumaragasang motorsiklo sa Roxas Boulevard sa Pasay kaninang umaga.

Nakabulagta sa southbound lane ng Roxas Boulevard ang biktima na si Edgardo Sagun, tubong Makati City, matapos tangkaing tumawid at mahagip ng motorsiklo.

Ayon sa pulisya, alas-6:00 ng umaga kanina, mabilis ang pagpapatakbo ng drayber na si Edmund Balderan sa motorsiklo niya kaya posibleng hindi napansin ang tumatawid na biktima.

Ayon naman sa 31-anyos na drayber, biglang tumawid ang biktima mula sa isang madilim na bahagi ng Roxas Boulevard kaya hindi niya agad napansin.

Dahil sa lakas ng pagbangga ay parehas silang tumilapon  na ikinasugat sa mukha ni Balderan, chef ng isang restaurant sa Diosdado Macapagal, habang ikinamatay naman ng biktima.

The post Kelot nasagasaan sa Pasay tigok appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>