Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Measles outbreak sa Davao City, 1 patay

$
0
0

IDINEKLARA na ang measles outbreak sa Davao City.

Sinabi ni Dr. Josephine Villafuerte ng Davao City Health Office (CHO), idineklara ang outbreak dahil ngayong taon lang lumalala ang mga kaso ng tigdas sa lunsod.

Nitong nakaraang Martes lamang, isang 8-anyos na paslit ang namatay habang nakapagtala naman ng 230 positibong kaso ng tigdas sa lungsod sa loob lamang ng tatlong buwan.

Hinimok naman ng CHO ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra tigdas.

Paliwanag ng CHO, ang isang positibong kaso ng tigdas ay maaaring makahawa ng 18 tao.

Maaaring pumunta ang mga magulang sa mga health center sa Davao City na itinakda sa Miyerkules bilang immunization day.

Payo rin ng CHO sa mga magulang, dalhin agad sa ospital ang mga anak kapag nilagnat o kapag naramdaman na ang sintomas ng tigdas upang mapasuri agad sa doktor.

Mas pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ang kampanya nito kontra tigdas sa pamamagitan ng house-to-house immunization.

The post Measles outbreak sa Davao City, 1 patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>