Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Nabitin sa pagkanta, pumatay sa videoke bar

$
0
0

DAHIL nabitin sa pagkanta, isang dating miyembro ng Phillippine Coast Guard (PCG) ang pinatay ng kanyang lasing na kustomer sa Camarines Sur kaninang madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng tama ng shrapnels sa kaliwang bahagi ng katawan ang biktimang si Dante San Agustin, 43, ng Barangay Malubago.

Hinahanting na ngayon para panagutin sa krimen ang suspek na sadyang hindi pinangalanan alinsunod sa ilalatag na pagtugis dito.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:55 ng madaling-araw sa loob mismo ng videoke bar ng biktima sa Barangay Sipocot.

Sa imbestigasyon, bago ang pamamaril ay isinarado na ng biktima ang kanyang videoke bar dahil disoras na ng gabi.

Lingid sa biktima, nabitin pala sa pagkanta ang suspek pero umalis na rin ito kasama ang kanyang tropa.

Ilang sandali lang, bumalik ang suspek at hinampas ang nasabing videoke bar kaya lumabas ang biktima para ito ay komprontahin.

Putok naman ng homemade shot gun ang isinagot ng suspek sa tanong ng biktima.

The post Nabitin sa pagkanta, pumatay sa videoke bar appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>