BINALONAN, PANGASINAN – Isang security guard ang napatay matapos barilin ng sariling tiyuhin sa kanilang bahay sa Binalonan, nasabing lalawigan.
Kinilala ng Binalonan police ang biktima na si Hance Bernard Flores, 28, isang security guard sa nasabing bayan
Samantalang ang suspek ay nakilalang si Raul delos Reyes.
Base sa impormasyon, dumalaw ang suspek sa bahay ng biktima at nag-usap-usap.
Sa gitna ng kanilang pag-uusap at sa impluwensya ng alak, si Flores at Delos Reyes ay nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa bumunot ang suspek ng kalibre at paputukan si Flores.
Ang biktima ay nagtamo ng bala sa ulo at katawan sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Ang lokal na pulisya ay nagsasagawa ng manhunt operation laban sa suspek na tumakas pagkatapos ng insidente.
The post Sekyu utas sa boga ng tiyuhin appeared first on Remate.