NASAKOTE ng awtoridad ang dalawa katao dahil sa iligal na pagbiyahe ng coco lumber sa Pasacao, Camarines Sur.
Kinilala ang mga suspek na sina Jessie Dacian, chainsaw operator at ang driver na si Nestor Paligutan.
Ayon kay PO2 Cherry Del Rosario, isang concerned citizen ang tumawag sa kanila at nagpaabot ng impormasyon tungkol sa elf truck na may kargang iligal na pinutol na kahoy.
Dito na nagsagawa ng follow-up operation ang PNP kaya nasabat ang umaabot sa 1,500 board feet ng mga coco lumber.
Nadakip ang driver ng elf truck na si Paligutan at si Dacian na walang naiprisentang permit mula sa Philippine Coconut Authority.
Dahil dito, sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 10593 ang dalawa.
The post 2 timbog sa iligal na coco lumber appeared first on Remate.