NADAKIP ng mga awtoridad ang anim na drug pushers sa isinagawang magkahiwalay na drug buy-bust operations sa Isla ng Boracay.
Unang naaresto ng awtoridad ang dalawang buntis na tinatayang P250,000 halaga ng shabu ang nakuha sa kanila sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Task Group (PAIDSTOG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Aklan Police Provincial Office (APPO) at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
Kinilala ang mga suspek na sina Mariel Joyce Lising, 22, at Rhea Faye Tomas, 23, kapwa ng Metro Manila at kapwa mga buntis ng isang buwan at ang isa ay anim na buwan.
Nakuha sa kanila ang dalawang plastic sachet ng shabu nang bentahan ang poseur buyer at dagdag na apat na malalaking plastic sachets sa isinagawang body search.
Ayon sa pulisya, matagal nang under surveillance ang mga suspek dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa isla.
Napag-alaman na sa isang hotel room isinagawa ang transaction sa mga babae na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek.
Samantala, matapos ang isang oras, dagdag na apat na suspek ang naaresto ng mga kapulisan na kinabibilangan ng isang Taiwanese national, isang bakla at dalawang babae.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga dahil nagpapatuloy pa ang imbentaryo ng mga kapulisan.
The post Taiwanese, 2 buntis timbog sa drug-bust sa Boracay appeared first on Remate.