NAMATAAN ang isang sama ng panahon malapit sa timog silangan ng Mindanao na may potensyal na maging bagyo.
Batay sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas-singko ng madaling araw, namataan ang sama ng panahon sa layong 1,020 kilometro timog silangan ng Mindanao.
Sa report ng PAGASA, ang nasabing low pressure area ay nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Ito ay nakakaapekto sa Leyte region at ilan pang bahagi ng Mindanao.
Inaasahan na papasok ito sa Philippine area of responsibity (PAR) bukas, Huwebes 9 (Enero 3). At kung sakaling maging bagyo ay tatawagin itong “Auring”.
Sa kabilang dako, nagdudulot naman ng mga pag-ulan ang hanging Amihan sa Aurora, Cagayan Valley at Quezon.
Magandang panahon naman ang maasahan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa ngayong araw.