ISA ang patay habang patuloy pa ring pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 10 iba pang mangingisda matapos salpukin ang kanilang bangkang pangisda ng isang barko sa karagatang sakop ng Cavite.
Nasa 12 rin ang nasagip makalipas ang 12 oras na nagpalutang-lutang sa karagatan habang nakahawak sa ilan nilang kagamitan na nawasak ng di napangalanang barko.
Sa ulat, alas-11:30 noong Miyerkules ng gabi nang banggain ng barko ang fishing boat na FB Dan Israel na galing Navotas habang nakatigil at nagpapahinga ang mga mangingisda.
Isang barko ang nakabangga sa bangka sa pagitan ng Ternate at Caballo Island ngunit hindi nakuha ng mga survivor ang pangalan ng barko.
Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations sa nawawala pang mga mangingisda.
The post Bangka sinalpok ng barko, 1 patay appeared first on Remate.