NILALAPATAN na ng lunas ang 17 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) makaraang maaksidente sa Poblacion, Kiamba, Sarangani Province kaninang alas-2:50 ng madaling-araw.
Nabatid na pabalik na sa General Santos City ang 35 pulis sakay sa isang truck nang maganap ang aksidente mula sa Palembang, Sultan Kudarat.
Napag-alaman na nawalan ng kontrol ang driver na si Po3 Clemente sa kurbadang bahagi ng National Highway Poblacion sa nabanggit na bayan.
Sa ngayon ay patuloy na ginagamot ang mga biktima sa Mindanao Medical Center sa General Santos City.
The post 17 SAF members sugatan sa aksidente appeared first on Remate.