SINUSPINDE ngayon ng pamahalaang lokal ang klase sa elementarya sa Gumaca, Quezon matapos na lamunin ng apoy ang kanilang silid aralan.
Batay sa impormasyon ng Quezon Police Provincial Office, nangyari ang insidente alas-12:20 ng hatinggabi sa Villa Arcaya Elementary School sa nasabing bayan.
Agad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa paaralan na tumagal ng halos isang oras ang pag-apula sa sunog.
Dalawang classroom ang tinupok ng apoy na hindi pa natutukoy ang kabuuang halaga ng pinsala.
Samantala, patuloy naman na inaalam ng awtoridad ang sanhi ng sunog.
The post 2 classrooms sa Quezon, nasunog appeared first on Remate.