NASAKOTE ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Indian student sa isinagawang buy-bust operation sa Maynila.
Kinilala ang suspek na si Prabhjot Gill, 18-anyos.
Batay sa ulat, nahulihan ang suspek ng 223 tableta ng hinihinalang ecstasy na tinatayang nagkakahalaga ng P334,00.
Ayon kay Jeoffrey Tacio, direktor ng PDEA Region 3, nakababahala na ang paglaganap ng bentahan ng mga droga sa Maynila lalo na sa ilang unibersidad kaya patuloy ang pagsisikap nilang masakote ang mga nasa likod ng ilegal na operasyon.
Samantala, sa hiwalay na operasyon sa J.P. Rizal, sa kanto ng Reposo Ave. sa Makati, arestado naman ang 22-anyos na si Malcon Limbro nang makumpiska sa kanya ang isang kahon na naglalaman ng 100 gramo ng hash o umano’y giniling na dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P25,000.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawa na nakapiit na sa PDEA-NCR sa Quezon City.
The post Indian student sa Maynila, timbog sa mahigit P300-K ecstasy appeared first on Remate.